E-Commerce ba ito?
Sa tuwing nagbibigay ako ng talk sa mga events tungkol sa e-commerce, ang malimit itanong ay "ano ang mga halimbawa ng e-commerce?" Madalas rin nasasambit na sila ay low-tech pa.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, sila ay nakapag-e-commerce na. Marami tayong ginagawa sa panahol na ito na maituturing na e-commerce. Ilang halimbawa ay:
- May-ari ka ng isang negosyo at nagbebenta ka ng produkto o serbisyo online (mapa-website o dito sa Facebook). Ganun din sa mga nag-order o bumili mula rito (mapa-individual o kumpanya).
- Nag-benta ka ng bagay na hindi mo na ginagamit sa Facebook o Instagram. Ganun din sa nakabili na sa mga ganito.
- Nag-order ka ng NBI clearance o birth certificate online. Ganun din sa mga ahensya ng gobyerno nagbibigay ng serbisyo sa tao online.
- Nagbenta ka ng serbisyo online - gaya ng pag-research - at binayaran ang skills mo para dito.
- Gumagamit ka ng online banking o ATM para magbayad ng inyong mga bills o mag-transfer ng pera sa ibang tao sa pamamagitan nito.
- Ang paglipat ng load sa isang tao sa pamamagitan ng pasaload (o mga katulad nito).
- Pag-order ng taxi o kotse sa pamamagitan ng mobile applications kagaya ng Uber, GrabTaxi, EasyTaxi.
- Pag-order ng pagkain sa mga website ng restaurant o ng kanilang mobile application.
(at marami pang iba)
Kaya kung tutuusin, maari na talagang mag-negosyo o magtinda online.
Kung gustong palawakin ang kaalaman sa e-commerce, pumunta lamang sa DigitalFilipino E-Commerce Boot Camp. Mag-create ng libreng account at maari ng sumali sa mga iba't ibang aralin online.