Puwede ka na Magtinda Online

Ang unang sabak ko sa pagbenta ng serbisyo online ay nung mag-moderate ako ng chat room bandang 1995. Kapalit nun ay libreng Internet connection.
Nagbukas din ako ng online bookstore (isang halimbawa ng e-commerce) nung 1997 nagbebenta ng aklat, komiks, atbp na puro Pilipino ang manunulat. Microsoft Word pa ang gamit ko para makagawa ng website. Wala pang payment gateway at puro mga Pilipino taga-ibang bansa ang gustong bumili. Hindi nagtagal ang aking online bookstore ko at nag focus ako sa article writing para sa mga publications nung panahon na yun.
Hanggang sa maisipan kong sumulat ng aklat nung September 1999 na nagbigay buhay kay DigitalFilipino.com.
Pero ngayon, iba na. Napakaraming oportunidad sa internet na maaaring makatulong sa lahat para magkaroon ng hanap-buhay o sideline. Isa na rito ang pagtitinda. Marami na ang kumita online dahil sa pagbebenta ng kung anu-anong produkto at serbisyo. Maaaring ito na ang hinihintay mong pagkakataon. Start na!
Kung mayroon na kayong produkto o serbisyo, maari niyo siyang ipa-alam sa tao sa pamamagitan ng:
- Email o PM ang mga kaibigan o kakilala.
- Share sa social media - sa iyong profile o page o Instagram.
- Mag post sa mga Groups o Forums o Marketplace ng mga nagtitinda. Maarin mo itong makita sa Facebook, Instagram, Pinterest, eBay, OLX, at kung saan-saan pa.
- Gumawa ng blog post o website.
- Kung skills o services ang iyong puwedeng i-offer online, maari rin mag-join ng mga sites kagaya ng 199jobs.com
Sa pagtanggap ng bayad, andiyan ang GCash, Paypal, online banking at kung ano pa. Mas madaling magbenta ngayon online.
Madalas may mga taong nag-message na diretsong nag-aalok ng kung ano-ano. Minsan may tumatawag na dating kakilala. Mangangamusta para mag-catch up pero importante na sabihin din ang pakay kung ito ay para ipakita ang negosyong pinasukan at gustong ialok.
Kung tayo nga lang ay magtitinda o mag-aalok ng serbisyo natin online, dahan-dahan lang din dahil karamihan ng nasa Facebook ay gumagamit nito para makipag-connect sa mga kaibigan, ka-industriya, ka-trabaho, at mahal sa buhay. Hindi para mabentahan.
Iwasan maging makulit.
Kung gustong palawakin ang kaalaman sa e-commerce, pumunta lamang sa DigitalFilipino E-Commerce Boot Camp. Mag-create ng libreng account at maari ng sumali sa mga iba't ibang aralin online.
Comments